Connect with us

International News

PH ika-apat sa listahan ng mga bansang may pinaka-maraming web threats

Published

on

PH ika-apat sa listahan ng mga bansang may pinaka-maraming web threats

Ayon sa data na nilabas ng Kaspersky, isang cybersecurity firm, umakyat ng dalawang spot ang Pilipinas sa global list ng mga bansang may pinaka-maraming web threats nitong nakaraang taon.

Sa data ng Kaspersky, nasa ika-apat na ang bansa sa listahan na may mahigit 50.544 milyong attempt ng web threats noong 2021, mula sa ika-anim na puwesto noong 2020, na may naitalang 44.20 milyon.

Noong 2021, ang Belarus ang ” most attacked country” kung saan 54.9% ng mga users ay inatake ng mga web-borne threats, sinundan ito ng Algeria na may 51.4% at Kazakhstan na may 51.3%.

Ang Pilipinas ang sumunod na may 51.2%, sinundan ng Latvia na may 50.7%, Ukraine na may 50.5%, Greece na may 49.9%, Tunisia na may 49.8%, ang Republic of Moldova na may 49.2%, at Kyrgyzstan na may 48.9%.

“Because of the internet, carrying on with work and school during the pandemic has been significantly possible,” sinabi ni Yeo Siang Tiong, General Manager ng Kaspersky Southeast Asia sa isang email, batay sa ulat ng GMA News.

“The internet has also provided people a temporary escape from real life during lockdowns. This is true not just for Filipinos but for everyone around the world,” dagdag niya.

Isinailalim sa mga pandemic restrictions ang bansa simula noong Marso 2020, kung saan may ilang mga firms ang nag-adopt ng remote working options para sa kanilang empleyado. Karamihan rin sa mga paaralan sa Pilipinas ay hanggang ngayon, nasa remote learning basis pa rin.

“We cannot stop using the internet so we really encourage Filipinos to be extra cautious and really get into the habit of practicing cyber-hygiene,” nabanggit ni Yeo.

“These basic habits remain the same and include regularly scanning devices for viruses, changing passwords, keeping apps, software, and operating systems up to date, and wiping your hard drive,” aniya.

(GMA Network)

Continue Reading