Tech
PROTOTYPE NA ELECTRIC WHEELCHAIR, BUMANGGA HABANG TINI-TEST
Bumangga sa pader ang prototype ng S-Pod, isang self-balancing electric wheelchair na inilabas ng kumpanyang Segway sa isang demonstration sa isang Consumer Electronic Show (CES).
Ang S-Pod na may maximum speed na 24mph (38km/h) ay gamit ng isang mamamahayag nang maganap ang aksidente. Ayon sa kumpanya, walang nasaktan sa insidente.
Dahil sa nangyari, pansamantalang nahinto ang mga susunod na demos ng S-Pod, ngunit hindi naman umano ito makaaapekto sa kumpanya.
Saad ni Ross Rubin, principal analyst ng Reticle Research, “In no way is a [malfunction] a total loss. It is still a sign to the public that the company is close to the finished product.”
Pahayag naman ni Jeff Wu, director of marketing ng Segway, wala umanong safety belt ang S-Pod sa concept model nito, pero layon ng kumpaniya idagdag ito sa disenyo.
Ang S-Pod ay dinisenyo upang magamit sa mga lugar gaya ng paliparan at theme parks. Inaasahan ding mailalabas na ito sa merkado sa 2021.
Source:
https://www.bbc.com