Tech
SCIENTIST SA HONG KONG, NAG-DEVELOP NG RETINAL SCAN TECHNOLOGY NA MAAGANG MAKATUTUKOY NG AUTISM SA MGA BATA


Nakapag-develop ang isang scientist sa Hong Kong ng isang paraan upang magamit ang machine learning at artificial intelligence sa pag-scan ang retina ng mga batang edad anim pataas. Sa pamamagitan nito, matutukoy nang maaga kung ang bata at may autism o may risk ng autism.
Ayon kay Benny Zee, isang propesor sa Chinese University of Hong Kong, ang Retinal Eye scanning ay makatutulong upang mapagibayo ang maagang pagkatuklas sa autism ng bata nang sa gayon ay maaga rin silang malapatan ng kaukulang gamutan.
“The importance of starting early intervention is that they are still growing, they are still developing. So there is a bigger chance of success,” ayon kay Zee.
Ang kanyang paraan ay gumagamit ng high resolution camera na may bagong computer software upang pag-aaralan ang combinasyon ng iba’t ibang mga salik tulad ng fibre layers at blood vessels sa mata.
70 bata ang sinuri gamit ang naturang teknolohiya. 46 sa mga ito ang may autism at 24 naman ang control group. Base sa testing na ginawa, 95.7 porsyento na natukoy nang tama ng nasabing teknolohiya ang mga batang may autism. Ang average na edad ng mga sinuri ay 13, at ang pinakabata sa mga ito ay 6 taong gulang.
Ang mga findings ni Zee ay inilathala sa EClinicalMedicine, isang peer-reviewed medical journal.
Tinanggap ng mga autism specialists ang findings ni Zee, subalit hindi pa rin umano dapat iwalang bahala na mayroon pa ring stigma na kaakibat ng autism. Karaniwan umanong hindi tanggap ng mga magulang na ang kanilang anak ay may autism, kahit na may nakikita namang mga senyales.
“Many times, parents will initially be in denial,” ani Dr Caleb Knight, may-ari ng isang pribadong autism therapy centre.
“If you had a medical test or biological marker like this, it might facilitate parents not going into denial for longer periods and therefore the child would get treatment more quickly.”
Ayon sa isang pahayag mula sa Hong Kong government,kinakailangan pang maghintay ng hanggang 80 weeks ang mga batang may autism bago sila makapunta sa espesyalista sa public medical sector,
Ayon kay Zee, layon ng kanyang mga teknolohiya na maging dagdag na diagnostic tool sa professional assessment ng lisensyadong healthcare professionals.