Connect with us

Tech

TikTok, papayagan na ang ilang creators na maningil ng subscription fee mula sa mga manonood ng kanilang live streams

Published

on

Inanunsyo ng TikTok kahapon ng Lunes na hahayaan na nilang maningil ng subscription charge ang mga ilang mga popular na creators accounts mula sa mga viewers ng kanilang live streams.

“LIVE Subscription is an extension of our efforts to build diversified creator monetization opportunities that suit a range of creator needs,” sinabi ng TikTok sa kanilang blog post.

Sa ngayon ay pinapasubukan muna ang bagong subscription feature sa mga piling creators ngunit sa mga susunod na araw ay palalawigin na nila ang saklaw nitong bagong paid subscription feature.

Tampok sa bagong feature ang kakayahan ng mga creators na mag-switch sa chat mode na exclusive lamang sa mga subscribers.

Mapapatibay umano nito ang “personal connection between creator and viewer,” pahayag ng sikat na video-sharing platform.

Upang maka-access sa LIVE Subscription feature, kinakailangang ang creator at ang subscriber ay nasa edad 18 pataas.

Mai-enjoy ng mga subscriber ang mga ipamimigay na digital badges pati na rin ang kakayahang ma-kontrol ang mga camera angles habang nasa streamed sessions.

Hindi pa inaanunsyo ng kumpanya kung magkano ang subscription sa Live streams.

 

 

Continue Reading