Tech
Trabaho ng 120 milyong manggagawa, maaaring maagaw ng mga robot
Maaaring maagaw ng mga robot ang trabaho ng mahigit 120 milyong mga trabahador sa buong mundo ayon sa IBM survey .
Epekto ito ng patuloy na pag-develop at paggamit ng artificial intelligence sa mga workplace.
Sinabi sa survey na maaagaw ng mga robot ang trabaho ng tao, ngunit may malilikha rin bagong trabaho kapalit nito. Kailangan lamang na i-reskill ang kanilang mga empleyado upang mapunan ang mga bagong trabaho.
Ayon kay Amy Wright, “Reskilling for technical skills is typically driven by structured education with a defined objective with a clear start and end.” Si Wright ay ang IBM managing director for talent.
Subalit, may kasanayan na mas mahirap i-develop, ani Wright.
“Building behavioral skills takes more time and is more complex.”
Ang mga behavioral skills tulad ng kakayahang makisalamuha sa katrabaho, pakikipag-communicate, pagiging malikhain, at empatiya ay mas nade-develop sa pamamagitan ng karanasan. Mas epektibo pa raw ito sa structured learning programs tulad ng webinar.
Dahil umano sa paggamit ng AI ng iba’t ibang kumpanya, tinatayang 50.3 milyon Chinese workers ang kinakailangang i- retrain dahil sa intelligent automation, ayon sa pag-aaral ng IBM. Sunod dito ang 11.5 milyon sa US at 7.2 milyon sa Brazil.
Ang mga makakaligtas
Sa isang sang report na inilabas ng McKinsey & Company, binanggit ang mga industriya na hindi maaapektuhan ng mga robot. Inisa-isa din ang mga kasanayan na kailangan para sa mga posisyon na nabanggit.
Halimbawa, sa automation industry, hindi mababawasan ang dami ng trabaho ngunit kakailanganing mabago mga gawain ng mga empleyado.
Samantala, ang mga trabaho tulad ng mortgage origination, paralegal work, accounting at iba pang back-office transaction processing ay maaaring mapalitang ng automation.
Nakakaalarma man ito para sa ilan, huwag daw matakok, sabi ni Bill Gate .
Kahit sinong may kasanayan sa science, engineering at economics ay laging magiging in-demand, sabi niya.