Connect with us

Tech

VIDEO CONFERENCE APP NA ZOOM, HUMAHARAP SA ISYU UKOL SA PRIVACY

Published

on

Larawan mula sa zdnet.com

Dahil sa pangambang dulot ng patuloy na pagtaas ng mga nagpo-positibo sa COVID-19, ipinatupad sa iba’t-ibang panig ang “home quarantine” kung saan pinapanatili ang mga tao sa loob ng kanilang mga tahanan. Dahil dito, milyong-milyong tao ang tumangkilik sa makabagong teknolohiya upang makipag-ugnayan sa mga kaibigan at mga mahal sa buhay. Kabilang na dito ang paggamit video conference app na Zoom.

Marami man ang patuloy na gumagamit ng mga video chat apps gaya ng Skype, higit na nagiging matunog ang Zoom dahil sa kakayahan nitong magkaroon ng video conferencing sa pagitan ng 100 daan o higit pang mga tao.

Sa kabila nito, naungkat ang mga alalahanin sa paggamit ng nasabing app, lalo na sa usapin ng privacy. Kamakailan lamang, kinuwestyon ng mga users, security researchers maging ng US authorities kung ano ba ang mga hakbang ng Zoom kaugnay sa privacy protection, lalo pa at milyon-milyong tao ang nabigyan ng pagkakataon na mag Work From Home (WFH) dahil sa pandaigdigang pandemya. Ang WFH ay maaaring magbigay daan upang malantad ang mga maseselang impormasyon.

Nagpadala na ng liham sa Zoom ang New York Attorney General na si Letitia James upang usisain at siguruhing ang kompanya “is taking appropriate steps to ensure users’ privacy and security.”

“Zoom takes its users’ privacy, security, and trust extremely seriously. During the COVID-19 pandemic, we are working around-the-clock to ensure that hospitals, universities, schools, and other businesses across the world can stay connected and operational. We appreciate the New York Attorney General’s engagement on these issues and are happy to provide her with the requested information.” Ito ang naging pahayag ng Zoom.

Binalaan naman ng Federal Bureau of Investigation ang Zoom laban sa “Zoom-bombing,” kung saan maaring mapasok ng mga hackers o trolls  ang mga public video call, gaya ng mga pagpupulong, o yaong mga virtual classrooms. Hinikayat dsin ng FBI na agad i-report kung may mga hindi kaaya-ayang aktibidad ang nagaganap gamit ang Zoom.

Bilang tugon dito, tiniyak ni Zoom founder and CEO Eric Yuan na patuloy nilang paiigtingin ang seguridad ng Zoom.