Connect with us

TODO Good Vibes

“I JUST WANT TO PLAY. NO TOUCHING, KEEP DISTANCE PLEASE”

Published

on

Pinayagan nang makalabas ang mga bata alinsunod sa alintuntunin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Dahil dito, ilang magulang ang hindi na rin nakatiis at isinama na sa pamamasyal ang kanilang mga anak.

Ayon sa mga eksperto, ang mga bata ang higit na naapektuhan sa mga lockdowns at restrictions bunsod ng pandemya. Malaki ang nawala sa kanila dahil nawalan sila ng pagkakataong makalaro at makasalumuha ang kanilang kapwa bata.

Saad nga ni Lem Semyonovich Vygotsky, isang psychologist na kilala sa kaniyang mga pag-aaral tungkol sa psychological development ng mga bata, ang social interaction ay may mahalagang papel na ginagampanan sa cognitive development ng mga bata. Para sa kaniya, malaki ang naiaambag ng komunidad sa mga bata sa aspeto ng “making meaning.”

Kabilang ang mag-asawang sina Kiel at Rea Quesada ng Kalibo sa mga magulang na naniniwalang karapatan ng kanilang anak ang makapaglaro.

Nang isinama nila ang magdadalawang-taong gulang na anak sa pagsisimba, batid ng mag-asawang maaaring hindi rin makakapagpigil na panggigilan ang cute na cute nilang anak lalo na at matagal-tagal din siyang hindi nakita ng kanilang mga kaibigan at kakilala.

Dahil dito, nakaisip ng paraan ang mag-asawa at makikita nga sa larawang ibinahagi nila sa Facebook ang kanilang anak na may suot na placard na may mensaheng, “I just want to play. NO touching, keep distance PLEASE.”

Sa eksklusibong pakikipag-ugnayan ng Radyo TODO sa ama ng bata, sinabi ni Mr. Kiel Quesada na nais lang nilang magkaroon ng awareness ang mga tao na kahit nakalalabas na ang mga bata ay kailangan pa rin ang ibayong pag-iingat.

Ayon sa kaniya, “Awareness lang naman intention namin especially sa mga kakilala namin na not touch our daughter, (and) not to be complacent kasi babies are vulnerable sa virus.”

Malaki umano ang naitulong ng placard dahil naiwasan ang paulit-ulit na pagpapaala na “no touching”.

Ayon din sa pahayag ni Daddy Kiel, “Tayong adults may vaccine and protected yung mga babies wala pa kaya double ingat talaga. First time namin na ilabas yung anak namin and we want to protect her.”

Dagdag pa niya, “God’s grace, its effective. Lahat na nag approach sa anak namin they keep their distance and no touching talaga.”

Continue Reading