Connect with us

TODO Good Vibes

PASAHERO, NANGANAK ON-BOARD; AKLANON STAFF, TUMULONG SA MABILIS AT LIGTAS NA PAGLAPAG NG EROPLANO

Published

on

Larawan ng cabin crew mula kay Cielo Villaluna (FB) at larawan ni Air Traffic Control Assistant Noel Nicolas Jr. (FB)

Nanganak ang isang Pinay na pasahero ng Philippine Airlines mula Doha, Qatar  kahapon ng alas-7:20 ng umaga, bago pa man makarating ang eroplano sa Pilipinas.

Pauwi na ng bansa si Teresa May Buiza, kung saan kasama siya sa 320 na pasahero nang maramdaman niyang kailangan ng iluwal ang kaniyang dinadala.

Dahil inabutan na nang panganganak, 2-oras bago pa makalapag ang eroplano, tumulong ang cabin crew ng flight PR685 na pinamumunuan ni Capt. Rainiel Viola.

Kinilala naman ang crew members na sina Ruby del Rosario, Marc Anthony Cue, Clinton Ros, Ann Claire Reboron, Scarlett Mercado, at sina Merian Buan Ventura at Philip King Aguilar na napag-alaman ding registered nurses.

Pinangalanan namang Scarlett Ann ang baby girl, mula sa pangalan ng 2 sa mga flight attendants.

Samantala, naging malaki ang papel ng isang Aklanon sa mabilis at ligtas na paglapag ng eroplano kung saan nanganganak si Buiza.

Ayon sa eksklusibong panayam ng Radyo TODO kay Air Traffic Controller Assistant Noel Nicolas Jr. na tubong Kalibo at kasalukuyang nakatalaga sa Manila Approach Control bilang Multi Sector Planner and Coordinator, naka-duty umano siya nang manganak si Buiza.

“It was reported on our unit na may aircraft with a callsign of PAL685 that is requiring priority for landing because passenger needs to go to a hospital. Tapos ininform din namin yung Manila Tower para maprepare po yung ambulance,” pahayag ni Nicolas.

Dagdag pa ni Nicolas, “Na-prioritize po siya ng team namin para mauna po siyang mag-land.”

Bilang bahagi ng Air Traffic Control, kasama umano sa kanilang responsibilidad na masiguro ang “safe and expeditious landing nung aircraft,” ani Nicolas.

Katuwang si Nicolas ng kanilang mga Supervisors na sina Rochelle Aquino
at Michael Madrid, kasama ang mga Executive Controllers na sina Therrence Delos Santos, Alfred Martin Hermosilla, at Bret Michael Ticmon.

Continue Reading