Connect with us

Trend Online

ALKALDE NG ISANG BAYAN SA MOUNTAIIN PROVINCE, TINANGGIHAN ANG FOOD PACKS PARA SA MGA NASASAKUPAN

Published

on

Malaking pagbabago sa pamumuhay ng bawat tao ang hatid ng COVID-19. Dito sa Pilipinas, dahil sa pagsasara ng ilang kumpaniya bunsod ng ipinatutupad na community quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit, marami ang nawalan ng mapagkukunan para sa pang-araw-araw na gastusin. Higit na apektado nito ang mga nagta-trabaho sa mga kumpaniyang ang polisiya ay β€œNo Work, No Pay.”

Ramdam na ang epektong ito ng COVID-19 maging dito sa ating lalawigan ng Aklan. Hindi lamang ito sakit sa kasulugan, kundi sakit din sa bulsa ng mga mamamayan. Naging panawid gutom ng karamihan ang relief goods o food packs na ipinamamahagi ng pamahalaan.

Sinasabing ang paglaganap ng COVID-19 ay maituturing din umanong test of humanity, dahil makikita ang iba’t ibang pagharap ng bawat isa sa kalabang hindi natin nakikita.

Bagamat, naging maagap ang ilang lokal na pamahalaan sa pamamahagi ng tulong, hindi maipagkakailang may ibang hanggang ngayon ay hindi pa rin nasisilayan ang pangakong ayuda.

Sa kabila ng pagkuwestyon kung nasaan na nga ba ang mga ito, isang bayan sa Cordillera Administrative Region ang may kakaibang tugon dito – tinanggihan ng alkalde nila ang food packs mula sa Department of Social Work and Development – CAR.

Ang nasabing alklade ay si Mayor Gabino P. Ganggangan ng Sadanga, Mountain Province. Maliit na bayan lamang ang Sadangan na may populasyong humigit kumulang 8,000. Sa isang bukas na liham na naka-post sa Facebook ni Mayor Ganggangan, ipinaliwanag ng alkalde kung bakit ganun ang kaniyang naging desisyon.

Narito ang naging pahayag ni Mayor Ganggangan:

Today, I was informed by our MSWDO that some relief food packs sent by the DSWD region are now available at the PDRRM office in Bontoc for LGUs that might be requesting.

However, I decided and instructed our MSWDO so to relay our message that our municipality will not be availing of these food packs even if the lockdown will be extended.

It’s not that we don’t have poor and needy families but I believe that we as tribal communities still have and should sustain our “built-in” and homegrown or indigenous social structure, values, and practice of taking care of our respective relatives or kins, neighbors, or kailyan in distress during hard times or economic crisis.

It is during these kinds of economic hardships such as “food shortages”, hunger and famine that the “richer or better of” (kadangyans) among a clan or village are expected to aid their needy relatives by lending their surpluses.

Should this crisis extend longer to the extent that our needy families really run out of their rice supplies, we shall mandate the kadangyans of every barangay to open up their rice granaries ( agamangs) to sustain us through to the next harvest season.

I assure that no family shall go hungry in our municipality even during these hard times.

Let the National Government feed the more needy urban poor in the cities and those less fortunate in other areas who can’t sustain themselves, while we sustain ourselves while we can. Again, I enjoin everyone to cooperate with our efforts to shield our municipality from this COVID-19.

Dahil naging viral ang naturang FB post, samu’t sari ang naging pananaw ng mga mamayan sa naging pasya ng alkalde. May mga natuwa, may ilan namang kinuwstyon ang motibo ni Mayor Ganggangan. Gayunpaman, nagpahaayag ang alkalde ng kaniyang saloobin hinggil dito sa pamamagitan ng bagong FB post. Aniya, napansin niyang ang iba’t ibang opinion ng mga mamayan ay maaring maging dahilan ng disunity. Umapela pa ang alkalde sa lahat β€œ(to) stop those quarrels and reserve whatever counterpoints you have against my decision later. I will give a time to clarify your points later, promise.”