Connect with us

Trend Online

ASO NA MATIYAGANG NAG-ANTAY SA AMO NIYANG NAKARATAY SA OSPITAL, NAG VIRAL

Published

on

Boncuk
Inaabangan ni Boncuk ang kanyang among si Cemal Senturk sa pintuan ng ospital saTrabzon, Turkey. Larawan mula sa DHA sa pamamagitan ng AP.

Matiyagang naghintay nang halos isang linggo ang isang aso sa labas ng ospital sa Turkey kung saan isinugod ang kanyang amo.

Viral ngayon sa social media ang asong si Boncuk na humabol sa ambulansyang nagdala sa kanyang amo sa opsital sa Trabzon, Turkey.

Natukoy sa ospital na si Cemal Senturk, 68, ay may brain embolism kaya kinailangang ma-admit ito sa ospital.

Dahil sanay na laging katabi ang amo, matiyagang naghintay si Boncuk (Bon-DJUK) sa labas ng pintuan ng ospital.

Nang makita ng anak ni Senturk si Boncuk sa ospital, iniuwi niya ang alaga ngunit umalpas umano ito at bumalik sa ospital.  Pagkatapos nito’y araw araw nang umantabay si Boncuk sa may entrance.

“She comes every day around 9 a.m. and waits until nightfall. She doesn’t go in,” pagkukwento ng security guard ng ospital na si Muhammet Akdeniz .  “When the door opens she pokes her head inside,” dagdag niya.

Nasanay na umano ang mga hospital staff na makita siya sa may labas ng ospital kaya minsan ay binibigyan siya ng pagkain.

“She’s very used to me. And I miss her, too, constantly,” pahayag ni Senturk.

Matapos ang anim na araw na pagkakawalay, muling nakapiling ni Boncuk ang kanyang mahal na amo.

Habang inilalabas si Senturk sa ospital sakay ng wheelchair, tumakbong pasalubong si Boncuk sa amo.  Tumalon talon ito habang  ikinakawag ang buntot at sabik na nagpahaplos.

“It makes a person very happy. The dog is very close to us, like a human being; and it makes you happy,” ani Senturk.

Siyam na taon nang magkasama si Senturk at Boncuk na ang pangalan ay nangangahulugang “Beads” dahil sa kanyang kulay hazel na mga mata.

Continue Reading