Trend Online
“Dati akong scammer, alam ko ‘yung mga kauri ko”: Xian Gaza sa naging exposé vs Rudy Baldwin
PINATUTSADAHAN ni social media personality at self-proclaimed “scammer” Xian Gaza ang Online Psychic na si Rudy Baldwin kaugnay sa di-umano’y modus nito.
Sinabi ni Gaza sa isang video na uploaded ng NYAEM sa Facebook nitong Linggo, (August 1), na isa siyang dating scammer at gawain niya ito noon kaya alam niya ang galawan ng mga kagaya niyang scammer.
“It takes one to know one. Dati akong scammer. Dati akong convicted scammer so alam ko ‘yung mga kauri ko.”
https://www.facebook.com/watch/?ref=external&v=419519226034026
Kinuwestiyon ni Gaza ang pagiging psychic ni Baldwin at pinuna ang mga hula na ipinopost nito sa social media kaugnay sa mga kalamidad at trahedya.
Aniya, ang bawat inilalabas na mga vision ni Baldwin ay mga possibility lamang na mangyayari sa mga current events.
“These vision of her na pino-post niya, na galet na galet kasi all caps, are not visions. Hindi siya santo or santa na sugo ng Diyos, o pinadala ng demonyo sa lupa. Walang gano’n.
“Isa lamang siyang con man, scammer na nagpe-pretend. And ‘yung visions na pino-post niya sa social media are just predictions, scientific guess, hypothesis, na pinagbabasehan niya ‘yung current events,” sey ni Gaza.
Gawa-gawa o peke lang aniya ang mga visions ni Baldwin sa social media.
“Gagawa siya ng visions sa social media, mga predictions. ‘Pag may tumama na isa, may mga followers siya na na magpo-post – mga shushunga, mga baliw na baliw, mga DDS. Ishe-share niya ngayon, kapag nai-share niya parang pino-point out niya sa mundo na ‘Ano kayo? Tama ang visions ko – sumabog ang bulkan, lumindol, may namatay!’ ‘Pag tumama, tuwang-tuwa ‘to kasi gumaganda ang kredibilidad niya sa social media.
“Bakit niya kailangan ‘to? Kasi kada tama na vision niya kuno, nagkakaroon siya ng kredibilidad at ang kanyang mga followers na paniwalang-paniwala ay nagme-message sa kanyang Facebook account at page.
“Ime-message siya ng followers niya… Magpapahula. Virtual hula. Huhulaan niya. ‘May vision ako sa’yo pero deposit muna sa bank account at G-cash ko.’ Lahat ng ibi-vision niya doon sa taong nagbayad ay panay trahedya, at ang very vulnerable mind ay nama-manipulate niya. Grabe ‘yung trauma na ini-instill niya sa utak ng tao.
“Nakukuha niyo na ngayon, ‘yung modus operandi niya? ‘Na ‘yung mga baliw na baliw sa kanya, pagbabayarin niya para hulaan ng kapalaran at sasabihin niya puros negative. At para hindi mangyari ‘yon, ‘dadasalan kita ngayon kung maghulog ka ulit ng pera sa aking banko o G Cash.'”
Ibinulgar nito na kumikita ng mahigit dalawang milyong piso si Baldwin dahil sa modus na ito.
Katunayan, dalawang babae na aniya ang lumapit sa kaniya na nagsabing naloko sila ni Baldwin sa pekeng panghuhula nito.
“She’s earning P1 to P2M pesos per month because of this – pabayad sa hula, pabayad sa amulet, pabayad sa mga orasyon at dasal pangontra sa mga kamalasan na kanyang na-vision kuno. Paano ko nalaman? May lumapit sa akin na dalawang tao… Hindi ko nakayanan kaya sabi ko, i-expose ko na ‘to, hindi ito pwede,” lahad ni Gaza.
Habnag sinusulat ang balitang ito ay pumapalo na sa 1 million views ang naturang video.
Samantala, tila may buwelta naman si Baldwin sa mga akusasyon ni Gaza laban sa kanya.
Sa kanyang post sa Facebook Page, itinanggi rin ni Baldwin na may mga iniendorso siyang amulet o binebenta.
Si Rudy Baldwin ay isang Filipino social media psychic na sumikat sa kanyang mga predictions, na umano’y nagkakatotoo. Kadalasan sa mga vision niya ay nangyayari, ilang linggo o buwan matapos niyang i-post sa kanyang Facebook Page na umani na ng sandamakmak na mga followers.
May mga taong naniniwala sa kanyang mga vision habang may iba naman na nagdududa sa mga ito.