Connect with us

Trend Online

Pampa-good vibes😇! Isang adorable 🥰 na limang taong gulang na bata, humingi ng tulong sa mga tao para makatawid sa daan

Published

on

Pampa-good vibes! Isang adorable na limang taong gulang na bata, humingi ng tulong sa mga tao para makatawid sa daan
📷 Screengrab @JAYKEEOUT YouTube Channel

Mapapangiti ka talaga sa wholesome na video na nagpapakita ng isang bata na innocently nagtatanong kung maari ba siyang tulungan.

Sa isang viral video ng Jaykeeout, kung saan layunin nila mag-spread ng pampa-good vibes, nagsagawa sila ng social experiment sa South Korea kung ano ang magiging reaksyon ng mga adults sa isang bata na nag-rerequest na hawakan ang kanyang kamay upang makatawid sa daan.

Isang adorable na limang taong gulang na bata, humingi ng tulong sa mga tao para makatawid sa daan photo 5

Makikita sa video, na kinakabahan pa sa una ang limang taong gulang na bata na si Ro-eun, pero lumapit pa rin siya sa mga tao at nagtanong, “Excuse me, can you hold my hand so I can cross the road?”

Ang adorable at napaka-cute na bata, sinong makaka-tanggi sa kanya? Nakakatuwa namang makita na lahat ng mga adults, huminto muna sa kanilang ginagawa para tulungan si Ro-eun.

Isang-adorable-na-limang-taong-gulang-na-bata,-humingi-ng-tulong-sa-mga-tao-para-makatawid-sa-daan-photo-8

Ang iba rin sa kanila ay nagpahayag ng kanilang concerns at tinanong nila kay Ro-eun kung saan ang kanyang mga magulang o kung nag-iisa lang ba siya.

May isang instance sa video na hindi alam ni Ro-eun at napa-isip siya kung ano ang isasagot niya sa tanong kung bakit siya lang mag-isa tatawid sa daan samantala andoon sa kabila ang kanyang ina.

Isang adorable na limang taong gulang na bata, humingi ng tulong sa mga tao para makatawid sa daan photo 4

“My mom is watching to see if I’m good at this,” ang excuse na naisip niya.

Sa huli, naglagay pa si Ro-eun ng hand sanitizer sa mga taong tumulong sa kanya.

Isang-adorable-na-limang-taong-gulang-na-bata,-humingi-ng-tulong-sa-mga-tao-para-makatawid-sa-daan-photo-9

“Sanitize your hands before you go,” sabi niya.

Ang nasabing video ay umabot na agad ng 11 milyong views sa loob lamang ng tatlong linggo nang ma-post ito sa YouTube.

Continue Reading