Trend Online
TikToker na nag-mura kay Yorme, humingi ng tawad
Nag-viral ang isang TikToker nang pagmumurahin niya ang Manila City Mayor na si Isko Moreno sa isang video na kumalat sa social media.
Humingi naman siya ng kapatawaran at boluntaryong pumunta pa siya sa opisina ng Special Mayor’s Reaction Team.
Nilinaw niya rin na hindi niya sinasadya ang kanyang mga nasabi at umamin na nadala lamang siya sa kanyang kalasingan sa oras na iyon.
Alam niya naman daw na maraming ng nagawang maganda para sa komunidad ng Maynila si Yorme.
Samantala, nais sana ng mayor na huwag ng pansinin ang nasabing isyu. Pero, nag-bilin naman siya sa mga tauhan sa Special Mayor’s Reaction Team na kausapin at payuhan lamang ang lalaki.
Gayunpaman, marami pa ring mga netizens ang nagalit sa ginawang video ng nasabing lalaki.
Ngayong panahon, halos lahat na ng mga pangyayari ay maaring ibahagi sa social media. Mas mabilis ng makakuha ng impormasyon ang mga netizens, kaya hindi na bago o nakakapagtaka kung bakit mabilis kumakalat ang mga video at balitang hindi pangkaraniwan.
Source: Kami.com.ph