Trend Online
VIRAL ONLINE: Thesis ng mga comm students tungkol sa mga taong pinagtagpo ngunit hindi itinadhana
“PINAGTAGPO NGUNIT HINDI ITINADHANA”
Trending ngayon sa social media ang mala-hugot na thesis ng Broadcast Communication students ng PUP-Manila patungkol sa mga couples na dumaan sa long-term relationship ngunit hindi rin kinasal at hindi nag katuluyan sa huli.
Isa sa mga pinangangambahang pagsubok ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang kanilang thesis. Ang ilan nga ay hindi pinapalad na maipasa ang programang ito sa kolehiyo at may pagkakataong kailangan pang ulitin.
Ngunit para sa isang grupo ng mga mag-aaral mula sa Polytechnic University of the Philippines – Manila, ang thesis ay kaya ring gawing isang nakaaaliw na bagay. Idinaan kasi nila ang kanilang research sa isang umaatikabong hugot tungkol sa paghahanap ng mailap na forever.
Ibinahagi ng nagsilbing chairperson ng thesis defense panel na si Rudolf Anthony Lacerna sa kanyang Facebook account ang kakaibang research ng mga Mass Communication students ng PUP.
“Pinagtagpo ngunit hindi itinadhaha: A Case Study About Couples Who Had Long-Term Relationship But Did Not Marry Each Other,” ito ang naging pamagat ng research ng mga Broadcast Communication students ng College of Communication ng PUP.
“Thesis defended na rin kayo… Proud na ako ang chair ng panel. There is hope. #WalangPoreber,” sabi ni Lacerna sa kanyang trending post na mayroong 21,000 reactions at 41,000 shares habang isinusulat ang balitang ito.
Ayon kay Lacerna, “Communication plays significant role in relational maintenance, ito umano ang conclusion sa nasabing study.
“Noong na-defend, as chair of the panel, I suggested to her to produce a documentary,” pahayag ni Lacerna.
Aliw na aliw naman ang netizens sa research na nagmistulang hugot at kanya-kanyang tag pa sa kanilang mga kaibigang nagkaroon din ng relasyong matagal ngunit nauwi rin sa hiwalayan.
Ang iba naman, tina-tag ang kanilang mga kaklase at sinabing gayahin daw nila ang paksa ng mga PUP students sa kanilang sariling thesis. May ilan namang naka-graduate na at nanghihinayang kung bakit hindi nila naisip ang ganitong topic habang ang iba naman ay gusto umanong mabasa ang kabuuan ng research at malaman ang mga kuwento sa loob ng research.
Source/Via: buzzflare