Connect with us

Trend Online

VIRAL PHOTOS: Walang basura at animo’y ilog na tubig baha sa Japan; Mga netizens napamangha

Published

on

Photo Courtesy l Yuttana Wangmun

Malinis na tubig baha?

Viral ngayon ang larawang ibinahagi ni Yuttana Wangmun sa Facebook group na ASEAN World 24 – Southeast Asia Network, matapos nyang ma-post ang litratong nagpapakita sa ‘napakalinis na tubig baha sa Japan’.

“Flooding in Japan is very clean,” saad ni Wangmun sa kanyang Facebook post.

Makikita sa larawan na kahit naipon ang tubig sa harap ng mga tahanan sa isang kalye sa Japan, ay kapansin-pansing walang basurang nakalutang dito.

Kung hindi batid na hinagupit ng bagyo ang Japan, aakalain sa unang tingin na ito ay bahagi lamang ng ilog na may nakatayong mga bahay sa paligid.

Gayunman, umani ng papuri mula sa netizens ang nasabing post. Humanga ang karamihan mula sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa disiplinang mayroon ang mga taga-Japan.

“You survived one of the strongest typhoon of the decade. Flooding everywhere but it’s still clean. No floating of garbage found in every corner. Amazing discipline.”

“Wow so clean it shows how discipline Japanese are.”

“’Wow napaka disiplinado ng mga tao sa Japan kahit binaha na ang linis padin parang resort parang di mukhang binaha.”

“Sarap mag swimming diyan, sana lahat malinis yung lugar.”

Pahayag ng mga netizens patungkol sa viral photos.

Samantala, magugunitang naranasan nitong Sabado sa Tokyo at sa karatig na prefectures ang bagsik ng bagyong Hagibis, tinagurian itong pinakamatinding bagyo na tumama sa kabisera sa loob ng 60 taon.

Source: Definitely Filipino