Sports
Akari Chargers tinalo ang F2 Logistics sa PVL All-Filipino Conference
Tinalo ng Akari Chargers ang malakas na kuponan ng F2 Logistics sa isang deciding game ng PVL Second All-Filipino Conference sa Smart Araneta Coliseum kahapon.
Sa iskor na 21-25, 25-20, 27-25, 19-25 at 15-8 sa first five-setter ng conference ay nakamit ng Akari ang kanilang kauna-unahang panalo sa conference.
Ang bagong recruit ng koponan na si Fifi Sharma na galing sa De La Salle ay nagkaroon ng solidong debut sa pro league na may 13 puntos, na na-highlight ng limang blocks at ang game-clinching service ace.
Sinabi ni Fifi na, “I’m just overall happy with the results because it was evidently a collaborated effort so it makes the win more satisfying. Just really happy because we got the win”.
Binuhat din ni Dindin Santiago-Manabat ang laro na may team-high na 19 puntos habang si Faith Nisperos ay umiskor ng 18 markers.
Matapos matalo sa ika-3 set ay bumawi naman ang Akari laban sa F2 matapos mabagsak sa ika-apat na set matapos ang down-the-line attack ni Manabat na nag resulta sa 5-1 lead.
Nakabalik naman ang F2 na may tatlong sunod na puntos, kabilang ang service ace ni Lacsina, na naging 5-6 ang iskor, ngunit gumawa sila ng dalawang krusyal na error na naging resulta ng paglaki muli ng agwat sa 9-5.
Pinalaki pa ni Nisperis ang kalamangan ng Akari sa pamamagitan ng pag-atake mula sa mga kamay ng blockers, 13-7.
Sinimulan ng Cargo Movers ang kanilang All-Filipino game na wala sina Kianna Dy at kanilang libero na si Dawn Macandili-Catindig dahil sa injury.
Maglalaro ulit ang Akari Chargers ngayong araw laban sa koponan ng PLD High Speed Hitters.