Connect with us

Uncategorized

Aklanon photojournalist, kampeon sa NSPC 2025 sa larangan ng pagkuha ng larawang pampahayagan

Published

on

Photo: Rhecel Joy Tampos-Nepomuceno
NASUNGKIT ang unang puwesto sa larangan ng Pagkuha ng Larawang Pampahayagan (Photojournalism) ni Akea Chloe Salazar mula Tangalan Elementary School na kinatawan ang Region VI sa isinagawang National Schools Press Conference (NSPC) 2025 sa Vigan City, Ilocos Sur, nitong Mayo 23.
Si ma’am Rhecel Joy Tampos-Nepomuceno naman ang tumayong mentor/coach na nagsanay Kay Akhea para masungkit ang naturang tagumpay.
Ang nasabing parangal ay ipinagkaloob sa Provincial Farmers Livelihood Development Center, kung saan ang mga sumusunod na mag-aaral mula sa iba’t ibang rehiyon ay nakamit ang mga karangalang ito:
IKALAWANG PUWESTO: Leana Marrey A. Deatras (Region XII)
IKATLONG PUWESTO: Joseph P. Mondala (Region I)
IKAAPAT NA PUWESTO: Kiel Marco Yuan B. Agcaoili (National Capital Region)
IKALIMANG PUWESTO: Tyranny Faith M. Rubio (Region IX)
Ang NSPC ay taunang ginaganap upang kilalanin ang kahusayan ng mga kabataang mamamahayag mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Continue Reading