Uncategorized
Lasing na binata na suspek sa pananaksak-patay sa isang senior citizen sa Cabayugan, Malinao, mahaharap sa kasong murder


SASAMPAHAN ng kasong murder ang 19-anyos na suspek sa pananaks*k-pat*y sa isang senior citizen sa Sitio Mambog, Cabayugan, Malinao nitong hapon ng Sabado, Hunyo 21.
Ito ang kinumpirma ni PLt. Alnie Fontenilla, DCOP ng Malinao PNP, sa panayam ng Radyo Todo nitong Linggo, Hunyo 22.
Ang suspek ay kinilalang si June Rey Isuga, 19-anyos, samantalang ang biktima ay si Antonio Igham, 71-anyos; parehong residente ng naturang lugar.
”Sa kaakig kuno niya (suspek) sang una noh, naghalin nga iya ginapabangdan ining aton nga biktima nga amo kuno ang nagkawat sang iya manok. So ang problema, kay wala man ini siya narekord sa barangay, wala man may nakabalo nga amo na gali ini ang iya kaakig sa aton nga biktima,” dagdag pa ni PLt. Fontenilla.
Ayon naman sa ilang residente sa lugar, lasing umanong umuwi sa kanilang bahay ang suspek at pinuntahan ang bahay ng biktima, na nasa 20 metro lamang ang layo.
Inundayan ng saksak ni June Rey si Antonio ng hindi bababa sa apat na beses gamit ang dala nitong kutsilyo, dahilan upang bawian ng buhay ang biktima.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Malinao Municipal Police Station at tumangging magbigay pa ng anumang pahayag.
Napag-alamang halos magkamag-anak lang din umano ang biktima at ang suspek.| Ulat ni Arvin Rompe