Uncategorized
Marayum Online Dictionary, layuning pangalagaan ang mga regional languages
Paano nga ba sabihin ang salamat sa wikang Ilocano, Tuwali-Ifugao o Cebuano?
Sa tulong ng Marayum, isang online dictionary, kaya ng ipahayag ng mga Pilipino ang kanilang sarili sa iba’t-ibang mga wika ng Pilipinas at madiskubre ang kahulugan ng mga salita sa iba’t-ibang lugar.
Marayum, na ang kahulugan ay wise words, ay ginagamit ng Asi ethnolinguistic group sa Romblon province.
Ang proyektong ito ay pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST) at pinangunguhan ng isang team of computer scientists at mga linguist galing sa University of the Philippines (UP) Diliman, Quezon City. Sinisikap nitong makagawa ng online dictionary “to preserve and save endangered Filipino languages.”
Layunin rin nitong “to empower native language speakers to create and curate an online dictionary of their language without needing to have technical expertise in website design, implementation, and maintenance,” ayon sa DOST.
Ang mga registered members ng isang specific community na gumagamit ng sarili nilang wika o diyalekto ay pupwedeng gumawa ng mga entries o modification, na kung saan ito ay susuriin ng mga group of assigned language experts.
Ang online dictionary, na kung saan ay pwedeng ma-access via marayum.ph, sa kasalukuyan ay mayroong apat na wika, Asi, Cebuano, Hiligaynon, at Kinaray-a, kasama rito ang katumbas na English translation.
“The national language is as symbolic as the country’s own freedom, giving its unique identity as a sovereign nation. This Buwan ng Wika, we can also celebrate other local languages in the country through this project,” wika ni Enrico Paringit, executive director of the DOST’s Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development.
Isasama rin sa proyekto ang iba pang mga dictionaries na sa kasalukuyan ay tinitipon pa. Ang mga wika na idadagdag ay ang Bikol-Buhi’non, Bikol-Central, Bikol-Rinconada, Masbatenyo, Kapampangan, Chavacano, Gaddang, Inakyeanon, Waray at Ilocano.
Ang Marayum team, na pinangungunahan ni project leader Mario Carreon, isang assistant professor sa Department of Computer Science in UP Diliman, ay ang parehong grupo rin na naghahawak sa International Year of Indigenous Languages sa Philippine website.
By the way, ang “salamat” sa Ilocano ay “Agyamanak”, “Munhana ak” sa Tuwali-Ifugao, at “Salamat sa tanan” sa Cebuano.
Walang anuman.
Reports from Inquirer.Net