Weather
Bagyon Agaton namataan sa may Marabut, Samar, inaasahang makakaranas ng malakas na ulan ang Aklan at Eastern Visayas – PAGASA
Magiging maulap at maulan ang panahon sa ilang bahagi ng Pilipinas dahil sa Bagyong Agaton lalo na sa rehiyon ng Visayas at Mindanao
Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng bagyong Agaton sa may Marabut, Samar kaninang 7:00 am. Ito’y may maximum sustained winds na 45 km/h malapit sa center at may bugso na umaabot hanggang 75 km/h. Kasalukuyang ito’y gumagalaw ng mabagal sa direksyong Eastward.
Inaasahan na makakaranas ng moderate hanggang sa malakas na may paminsan-minsang intense na pag-ulan sa Eastern Visayas, Bicol Region, northern at central portions ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, Aklan, Capiz, Iloilo, Antique, Guimaras, at ang northern at central portions ng Negros Provinces.
Nag-babala ang PAGASA na mag-ingat sa possibleng landslide, at pagbaha dahil sa lakas ng ulan.
Moderate hanggang sa malakas na hangin mula Northeast hanggang Northwest ang mananaig sa buong Visayas, Palawan kabilang ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro na may moderate hanggang sa malakas na alon sa mga karagatan.
Ang mga sumusunod ang mga lugar na inilagay ng PAGASA sa Signal No. 1:
TCWS No.1
(Strong winds prevailing or expected within the next 36 hours)
LUZON
Southern portion ng Masbate (Dimasalang, Cawayan, Palanas, Placer, Cataingan, Esperanza, Pio V. Corpuz)
VISAYAS
Eastern Samar
Samar
Northern Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northeastern portion ng Cebu kabilang ang Camotes Island
MINDANAO
Dinagat Islands