Connect with us

Weather

Bagyong Jolina, humina na, listahan ng mga lugar na nasa Signal No. 1 at 2, alamin

Published

on

Weather report bagyong Jolina

Tinanggal na ang Storm signal number 3 ngayong Martes, sapagkat humina na ang bagyong Jolina at ito’y isang severe tropical storm na lamang, habang tumatawid ito sa Luzon, batay sa state weather bureau.

Unang nag-landfall ang bagyo sa Hernani, Eastern Samar nitong Lunes ng gabi, sumunod, nagpatungo ito sa Almagro, Samar mga bandang 6:30 a.m. pagkatapos sa Tagapul-an, Samar ng 7:50 a.m. sinabi ng PAGASA.

Jolina path

Ito ang pang-sampung bagyo na dumating sa Pilipinas.

Tumama na rin ito sa Dimasalang, Masbate, ayon sa 11 a.m. bulletin ng weather bureau.

Sa susunod na 24 oras, inaasahan na magdadala ng “heavy to intense with at times torrential rains” ang Jolina sa Masbate, Leyte, Biliran, Samar, Northern Samar, Sorsogon, Albay, Catanduanes, Camarines provinces, Southern Quezon, Romblon, and Marinduque.

Moderate hanggang heavy na may intense na pag-ulan naman ang inaasahang mararanasan ng Mindoro provinces at ng rest ng Calabarzon at Visayas.

Batay sa 2 p.m. bulletin ng weather bureau, gumagalaw ang bagyo na may direksyong west northwest na may bilis na 15kph, mayroon rin itong maximum winds na 110 kph at may bugsong umaabot hanggang 135 kph.

Mga lugar na nasa ilalim ng signal no. 3 ay ibinaba sa signal no. 2, kung saan inaasahan pa din ang “damaging gale-force” hanggang “storm-force winds” sa loob ng 24 oras.

Ang mga sumusunod ang nasa ilalim ng storm signal No. 2:

  • Masbate including Ticao and Burias Islands
  • Northern portion of Romblon
  • Sorsogon
  • Albay
  • Western and southern portions of Camarines Sur
  • Western portion of Camarines Norte
  • Central and southern portions of Quezon
  • Laguna
  • Southeastern portion of Batangas
  • Marinduque
  • Western portion of Northern Samar
  • Extreme northwestern portion of Samar
  • Northern portion of Biliran

Ang mga sumusunod ay ang listahan na nasa Signal no. 1:

  • Aklan
  • Northern portion of Leyte
  • Northern portion of Cebu
  • Northern portion Negros Occidental
  • Northern portion of Iloilo
  • Capiz
  • Metro Manila
  • Rest of Camarines Norte
  • Rest of Camarines Sur
  • Rest of Albay, Catanduanes
  • Rest of Romblon
  • Oriental Mindoro
  • Occidental Mindoro
  • Rest of Quezon
  • Rizal
  • Rest of Batangas
  • Cavite
  • Bulacan
  • Bataan
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • Zambales
  • Pampanga
  • Southern portion of Aurora
  • Southern portion of Pangasinan
  • Rest of northern Samar
  • Northern and central portions of Samar
  • Northern of Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog, Dolores,
    Oras, San Policarpo)
  • Rest of Biliran

May minomonitor pa rin na isa pang bagyo na inaasahang papasok ng bansa pagdating ng Miyerkules ang weather bureau, ipapangalanan itong “Kiko,” pahayag ni PAGASA weather forecaster Jun Galang.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, hindi inaasahang mag-co-cross paths ang bagyong Jolina at Kiko.

(Source: Gillan Ropero, ABS-CBN News)