Connect with us

Weather

Bagyong Jolina, paalis na ng PAR; southwest monsoon magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng bansa

Published

on

Weather report bagyong Jolina

Nanatili ang lakas ng Torpical Storm Jolina habang gumagalaw ito sa direksyong northwestward, paalis ng Luzon, ito’y base sa ulat ng PAGASA sa kanilang 5 a.m. bulletin.

Magdadala ng ulan na may gusty winds ang Jolina sa Pangasinan at Zamabales, may posibilidad ring magkaroon ng flash floods o landslides dahil sa moderate to heavy rains.

Itinaas sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na areas:

  • The western portion of Pangasinan (Anda, Bolinao, Infanta, Aguilar, Sual, Labrador, Dasol, Bugallon, Burgos, Mabini, Agno, City of Alaminos, Bani, Lingayen, Mangatarem)
  • The northern portion of Zambales (San Antonio, Botolan, San Narciso, San Felipe, Cabangan, Palauig, Iba, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz)

Ang center ng bagyong Jolina ay na-estimate sa may 145 km west-northwest ng Iba, Zambales, o 175 km West ng Dagupan City, Pangasinan.

Mayroon itong maximum sustained winds ng 85 kph malapit sa center na may gustiness na umaabot hanggang 115 kph, ito’y gumagalaw na may direksyong northwestward na may bilis ng 25 kph.

Makakaranas naman ng monsoon rains na dala ng southwest monsoon ang Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Palawan, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, maaring magkaroon ng flash floods o landslides dahil sa light hanggang moderate at heavy rains.

Cloudy skies na may scattered rain showers at thunderstorms naman sa Metro Manila, rest ng Luzon at Visayas.

Samantala, makakaranas ng partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated rain showers o thunderstorms ang rest ng Mindanao.

Sa forecast track, gumagalaw ng northwestward ang Jolina at aalis ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) pagdating ng Huwebes ng hapon o gabi.

(Source: GMA News)