Weather
Bagyong Kiko humina na, ngunit itinaas pa rin sa Signal No. 3 ang northeastern bahagi ng Cagayan
Itinaas ng PAGASA sa Signal No. 3 ang isang bahagi ng Cagayan kahit humina na ang bagyong Kiko na may international name na Chanthu.
Sa kanilang 5 a.m. weather bulletin, huling naka-locate ang bagyo sa may 280 km east northeast ng Casiguran town, Aurora, na may maximum sustained winds na 185 kph malapit sa center, ito’y may 230 kph na bugso at nag-eextend ang hangin hanggang 230 km mula sa sentro ng bagyo.
Huli itong namataang gumagalaw na may direksyong west-northwestward at may bilis ng 20 kph.
Itinaas sa Signal No. 3 ang extreme northeastern ng Cagayan, kabilang na dito ang bayan ng Santa Ana. Inaasahan na “destructive typhoon-force winds” ang mararanasan ng mga area sa loob ng 18 oras.
Ang mga sumusunod naman na lugar ay nasa Signal No. 2, at sa loob ng 24 oras, makakaranas ito ng “damaging gale-force to storm-force winds.”
- Batanes
- Babuyan Islands
- remaining eastern portion of mainland Cagayan (Aparri, Camalaniugan, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga,)
- northeastern portion of Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan)
Signal No. 1 naman ang mga sumusunod na lugar:
- rest of mainland Cagayan
- northeastern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi)
Apayao - eastern portion of Kalinga (City of Tabuk, Pinukpuk, Rizal)
- northwestern and southeastern portions of Isabela (Santa Maria, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Cabatuan, Aurora, City of Cauayan, Angadanan, San Guillermo, Dinapigue, San Mariano, Cabagan, Santo Tomas, Delfin Albano, Tumauini, Quirino, Burgos, Gamu, Ilagan City, Luna, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven)
- northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran)
Ayon sa PAGASA, magdadala ng heavy hanggang intense na may paminsan torrential rains ang bagyong Kiko sa Cagayan, Babuyan Islands, Batanes at northern Isabela sa pagitan ng Biyernes ng hapon at Sabado ng gabi.
Nagbabala rin sila na makakaranas ng scattered hanggang widespread flooding (kabilang ang flash floods) at rain-induced landslides ang mga naapektuhang lugar.
Batay sa PAGASA, maaring itaas hanggang Signal No. 4 ang Kiko.
Inaasahan na gagalaw itong northwestward o north-northwestward patungong Babuyan Islands-Batanes area.
At inaasahan na aalis ang bagyo sa Philippine area of responsibility pagdating ng Linggo ng hapon o gabi, at gagalaw itong north-northeastward papuntang East China Sea.
Sinabi ni Malacañang spokesman Harry Roque na ang paghahanda para sa bagyong Kiko ay isinasagawa na.
(Source: ABS-CBN News)