Connect with us

Weather

Bagyong Maring at Nando possibleng mag-merge ayon sa PAGASA

Published

on

Weather Report

Ayon sa PAGASA, ang dalawang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility ay maaring mag-merge at maging isa sa loob ng 36 na oras mula 5 a.m ngayong Sabado.

Batay sa kanilang early-morning bulletin, ang bagyong Maring at Nando ay “within a larger circulation of a monsoon depression.”

“A near-term erratic movement remains likely in the next 24 hours as the circulations of both Maring and Nando interact with each other in a potential merger event,” sinabi ng PAGASA.

Ngayong Sabado, makakaranas ng moderate hanggang heavy rains ang Eastern Visayas at Dinagat Islands dahil sa bagyong Maring.

Samantala, ang Bicol Region at ang natitirang bahagi ng Visayas at Caraga ay makakaranas ng light hanggang moderate na may paminsan-minsan heavy rains.

Dagdag pa ng PAGASA na, magdadala ng light hanggang moderate na may paminsan-minsan heavy rains ang southwesterlies na pinalakas ng bagyong Maring sa Palawan at Occidental Mindoro simula Sabado ng hapon o gabi.

Sa hiwalay na bulletin, sinabi ng PAGASA na huling namataan ang bagyong Nando sa 1,105 km east ng Northern Luzon, na may maximum sustained winds na 55 kph at umaabot hanggang 70 kph ang bugso nito.

Dagdag rin nila na ang bagyong Nando, “is unlikely to directly affect the weather condition in the country within the forecast period.”