Connect with us

Weather

Bagyong “Nyatoh” patuloy na lumalakas, Visayas at Mindanao, asahan ang maulap at maulan na panahon

Published

on

weather forecast

Batay sa PAGASA, ang bagyo na may international name na “Nyatoh” ay patuloy na lumalakas at umabot na ito sa “Typhoon” category, pero, maaring hindi ito makakapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa 5:00 am bulletin ng PAGASA, ang center ng Typhoon Nyatoh kaninang 4:00 am ay na-locate sa may 1,370 km East Northeast ng Southern Luzon o 1,560 km East ng Central Luzon (outside the PAR).

May maximum sustained winds ito ng 120 km/h malapit sa center, bugso na umaabot hanggang 150 km/h, at gumagalaw ito sa direksyong northward na may bilis na 20 km/h.

Ayon sa PAGASA, pinapakita ng latest model guidance na ang track ng bagyo ay maaring hindi pumasok sa PAR.

Kung patuloy itong track ng bagyo, makakapag-issue na ng final tropical cyclone advisory ngayong araw, pero hinihikayat pa rin ang publiko na manatiling updated sa bagyong Nyatoh.

Kahit nasa labas ng PAR ang bagyo, dahil sa trough nito, maaring magdadala ito ng scattered light hanggang moderate na may paminsan-minsan heavy rains at thunderstorms sa Bicol Region, Visayas at Mindanao sa susunod na 24 oras.

Ang Eastern Visayas, Aklan at Capiz ay makakaranas ng maulap na panahon na may scattered rainshowers at thunderstorms dulot ng trough ng Nyatoh.

Habang ang natitirang bahagi ng Visayas, Palawan kabilang ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na may isolated rainshowers dahil sa localized thunderstorms at Northeast Monsoon.

Continue Reading