Connect with us

Weather

Bagyong Odette, inaasahang aalis na ng PAR bukas ng umaga o hapon

Published

on

weather forecast

Dumadaan na sa may Sulu Sea sa pagitan ng Cuyo at Cagayancillo Islands ang bagyong Odette, habang inaasahan naman na aalis na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng umaga o hapon.

Sa 8:00 am bulletin ng PAGASA, ang center ng eye ng bagyo ay namataan sa may 155 km West Southwest ng Iloilo City o 90 km South Southeast ng Cuyo, Palawan kaninang 7:00 am.

May maximum sustained winds ito ng 155 km/h at bugso na umaabot hanggang 235 km/h. Ang bagyo ay gumagalaw sa direksyong Westward at may bilis na 25 km/h.

Batay sa forecast ng PAGASA, inaasahan na mag-lalandfall ang bagyo sa may Northern o Central portion ng Palawan ngayong umaga o hapon. Dadaan ito sa may Kalayaan Islands bukas at inaasahan rin na lalabas na ito ng PAR bukas ng umaga o hapon.

Ang mga sumusunod na lugar ay itinaas ng PAGASA sa Signal No. 3. (Destructive typhoon-force winds prevailing or expected within 18 hours)

Luzon

  • Northern portion ng Palawan kabilang Cagayancillo at Cuyo Islands

Visayas

  • Guimaras
  • Southern portion ng Iloilo
  • Southern portion ng Antique

Ang mga sumusunod na lugar ay itinaas ng PAGASA sa Signal No. 2. (Damaging gale- to storm-force winds prevailing or expected within 24 hours)

Luzon

  • Southern portion ng Oriental Mindoro
  • Southern portion of Occidental Mindoro
  • Western portion ng Romblon
  • Central portion ng Palawan kabilang ang Kalayaan at Calamian Islands

Visayas

  • Aklan
  • Capiz
  • Natitirang bahagi ng Iloilo
  • Natitirang bahagi ng Antique
  • Guimaras
  • Negros Oriental
  • Negros Occidental
  • Southern portion of Cebu

Ang mga sumusunod na lugar ay itinaas ng PAGASA sa Signal No. 1. (Strong winds prevailing or expected within 36 hours)

Luzon

  • Western portion ng Camarines Sur, Albay
  • Sorsogon
  • Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands
  • Marinduque
  • Southern portion ng Quezon
  • Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands
  • Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro
  • Natitirang bahagi ng Palawan
  • Natitirang bahagi ng Romblon
  • Batangas

Visayas

  • Western portion ng Northern Samar
  • Western portion ng Samar
  • Bohol
  • Biliran
  • Leyte
  • Western portion of Southern Leyte
  • Natitirang bahagi ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
  • Siquijor

Mindanao

  • Northern portion ng Zamboanga del Norte
  • Northern portion ng Misamis Occidental