Connect with us

Weather

Dalawang LPA magdadala ng ulan at maulap na panahon sa buong Visayas at Palawan

Published

on

weather forecast

Dalawang low pressure area (LPA) ang namataan sa may Negros Oriental at East Northeast ng Visayas, at magdadala ito ng ulan at maulap na panahon sa ilang bahagi ng bansa.

Sa 5:00 am bulletin ng PAGASA, sinabi nila na kaninang 3:00 am, may namataan silang LPA sa may 70 km West ng Dumaguete City, Negros Oriental at ang isa ay nasa may 1,025 km East Northeast ng Visayas.

Makakaranas ng maulap na panahon na may paminsan-minsang scattered rainshowers at thunderstorms ang buong Visayas at Palawan, kabilang ang Kalayaan Islands dulot ng LPA.

Samantala, naapektuhan ng Northeast Monsoon ang panahon sa Luzon. Makakaranas ng partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated light rains ang Occidental Mindoro dahil sa Northeast Monsoon.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Northeast ang iiral sa eastern bahagi ng Visayas na may moderate hanggang rough na karagatan. Mahina hanggang sa katamtamang hangin naman mararanasan ng natitirang bahagi ng Visayas, Occidental Mindoro, at Palawan kabilang na ang Kalayaan Islands.