Weather
Easterlies nakakaapekto sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas
NAKAKAPEKTO ngayon sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas ang easterlies o mainit na hangin na nagmumula sa Karagatang Pasipiko.
Ayon sa PAGASA ang Visayas at Palawan ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa ma-ulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan, pagkidlat o pagkulog dulot ng Easterlies.
Ang Occidental Mindoro naman ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa ma-ulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan, pagkidlat o pagkulog dulot ng Localized Thunderstorms.
Samanatala, mahina hanggang sa katamtaman na hangin galing sa Silangan hanggang sa Timog-silangan ang iiral sa Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may mahina hanggang sa katamtaman na alon sa karagatan.