Weather
Habagat magdadala ng ulan sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon; may isa nanaman bagyo binabantayan ang PAGASA
Patuloy ang pag-uulan na dala ng Monsoon sa Metro Manila at ilang provinces sa Luzon ngayong linggo, ayon sa weather service.
Ang ulan na dala ng southwest monsoon, o mas tinatawag na “habagat,” ay naging sanhi ng mga “widespread floods” sa National Capital Region at sa mga kalapit nitong mga provinces nitong weekend, kung saan nag-evacuate ang libo-libong mga tao para sa kanilang kaligtasan.
Ayon sa PAGASA, ang mga residente ng Metro Manila, Ilocos region at mga provinces ng Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas at Occidental Mindoro ay kailangan maghanda para sa moderate hanggang heavy rains at sa posibleng flash floods at landslides ngayong Lunes.
Sa mga nakatira naman sa Cagayan Valley at Antique provinces, at sa ilang bahagi ng Cordillera, Central at Southern Luzon, inaasahang makakaranas sila ng cloudy skies na may scattered showers at thunderstorms sa simula ng linggo.
Ang southwest monsoon ang inaasahang dominant weather system hanggang Biyernes, batay sa PAGASA.
Fatalities
Inulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kahapon, na nagkaroon ng tatlong fatalities, dalawa sa kanila ay dahil sa isang lightning strike sa Ilocos Norte.
Mayroon ding mga 5,000 pamilya ang na-displace dahil sa baha na dala ng heavy monsoon rains sa walong regions.
Ayon sa NDRRMC, sa tatlong fatalities, ang isa sa kanila ay isang 39-year-old woman na namatay dahil nabagsakan ng puno ang sinasakyan niyang kotse sa may Kennon Road sa Baguio City. Habang ang dalawa naman, na may edad 15 at 35 ay natamaan ng kidlat sa Barangay Tartarabang, Pinili town sa Ilocos Norte.
Samantala sinabihan ng Department of the Interior and Local Government ang mga town at city mayors sa buong bansa na ang mga vaccination centers na nasa flood-prone areas ay temporarily i-transfer.
Another tropical storm
May binabantayan nanaman isa pang tropical storm ang mga weather forecasters na may international name na “Nepartak,” kung saan nanatili pa ito sa labas ng Philippine territory.
Nitong Linggo, mga bandang 3 p.m, ang center ng bagyo ay nasa 2,840 kilometers east northeast ng extreme northern Luzon. Ito’y may dalang hangin na 75 km per hour malapit sa center at may bugsong 90 kph, may direksyon ang Nepartak, northward ng 15 kph.
Source: Inquirer.Net