Weather
Habagat patuloy magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng Luzon, fair weather naman sa Visayas at Mindanao -PAGASA
Patuloy magdadala ng ulan ang southwest monsoon o “habagat” sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon, ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes, July 29.
Inaasahang fair weather naman ang mararanasan sa Central at Eastern Visayas gayundin ang Mindanao.
Nag-isyu ng yellow rainfall warning ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration kaninang umaga, 5:30 a.m, kaya inaasahang magkakaroon ng heavy rainfall sa Metro Manila, Cavite, Batangas, at Nueva Ecija.
Intense rainfall naman ang inaasahan sa Tarlac, Pampanga at Bulacan. Samantala, torrential rains naman ang mangyayari sa Zambales and Bataan, kung saan isang red rainfall warning ang in effect.
Sa natitirang bahagi ng Luzon, scattered hanggang widespread rains ang inaasahan. Pinayuhan ang publiko na maghanda para sa mga posibleng pagbaha o landslides.
May mino-monitor rin isang shallow low-pressure area ang Pagasa na makikita 1,035 kilometers east of extreme Northern Luzon. Subalit, hindi naman daw ito lalakas at magiging tropical cyclone.
Source: Inquirer.Net