Connect with us

Weather

Ilang lugar sa Luzon, itinaas sa Signal No. 2 dahil sa bagyong Maring; Habagat magdadala ng ulan sa Western Visayas

Published

on

Weather Report

Itinaas sa Signal No. 2 ang ilang bahagi ng Luzon dahil sa Bagyong Maring na may international name na “Kompasu”, ayon sa PAGASA.

Batay sa kanilang 4 a.m morning bulletin, huling namataan si bagyong Maring sa 350 km east ng Aparri, Cagayan.

Si Maring ay may maximum sustained winds na 85 km/h malapit sa center, at may bugsong umaabot hanggang 105 km/h. Gumagalaw ito sa direksyong west northwest na may bilis ng 25 km/h patungong Extreme Northern Luzon.

Nasa signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar:

  • Batanes
  • Cagayan including Babuyan Islands
  • the northern portion of Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Roxas, Mallig, Quezon)
  • Apayao
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Abra
  • Ilocos Norte and Ilocos Sur.

Inaasahang makakaranas ng damaging gale-force hanggang storm-force winds ang mga area sa ilaim ng Signal No. 2 sa loob ng 24 na oras.

Itinaas naman sa Signal No.1 ang mga sumusunod na lugar:

  • the rest of Isabela
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Ifugao
  • Benguet
  • La Union
  • Pangasinan
  • Aurora
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • Zambales
  • Pampanga
  • Bulacan
  • the northern portion of Bataan (Samal, Morong, Dinalupihan, Abucay, Orani, Hermosa)
  • the northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta) including Polillo Islands and
  • Calaguas Islands

Makakaranas ang mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1 ng strong winds (strong breeze to near gale conditions) na may higher gusts sa loob ng 36 na oras.

Samantala, pinapalakas ng Bagyong Maring ang Southwest Monsoon (Habagat). Dahil dito, possibleng makakaranas ng pag-ulan ang Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Palawan at Occidental Mindoro sa susunod na 24 na oras.

Inaasahang aalis si bagyong Maring sa Philippine Area of Responsibility (PAR) pagdating ng Martes ng umaga o hapon.

(GMA News)