Weather
Inaasahang 1 hanggang 3 bagyo ngayong buwan ng Hulyo ang papasok sa Pilipinas
Isa hanggang tatlong tropical cyclones ang inaasahang pumasok sa Philippine area of responsibility o PAR ngayong buwan ng Hulyo, base sa state weather bureau.
Sinabi ni Weather Specialist Ariel Rojas sa isang briefing, Emong, Fabia, at Gorio ang magiging pangalan ng mga bagyo kapag nakapasok na ito sa PAR.
Sa ngayon, minomonitor ng weather agency ang isang low-pressure area (LPA) sa loob ng PAR, pero maliit lamang ang chance na lalakas ito at maging isang tropical depression, ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja.
“Nakikita din natin iyong scenario na within the next 48 hours na malusaw ito while inside the Philippine area of responsibility,” sabi niya sa briefing.
Ang LPA ay nakita sa may east of extreme northern Luzon mga bandang 3 a.m. ngayong Huwebes.
Ayon sa PAGASA ngayong Huwebes, partly cloudy-to-cloudy skies, with isolated rain or thunderstorms ang mararanasan na panahon sa Pilipinas.
Source: CNN Philippines