Connect with us

Weather

Inaasahang magiging maulan ang buong Visayas kabilang ang Kalayaan Islands – PAGASA

Published

on

weather forecast

Mayroong dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ngayon ng PAGASA, habang magiging maulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa LPA.

Batay sa kanilang 5:00 am bulletin, namataan ng PAGASA ang isang LPA sa may 15 km Southeast ng Davao City kaninang 3:00 am, habang ang isa pang LPA ay kasalukuyang nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na namataan nila sa may 2,710 kilometers east ng Mindanao.

Magkakaroon ng maulap na panahon na may scattered hanggang widespread rainshowers at thunderstorms ang buong Visayas kabilang ang Kalayaan Islands dulot ng LPA.

Habang magiging bahagyang maulap hanggang maulap ang panahon sa Occidental Mindoro na may isolated light rains dahil sa ortheasterly Windflow.

Moderate hanggang sa malakas na hangin mula East hanggang Northeast ang mananaig sa buong Visayas kabilang ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may moderate hanggang sa malakas na alon sa mga karagatan.

Continue Reading