Weather
Inaasahang magiging maulan ang ilang bahagi ng Pilipinas kabilang ang Visayas dahil sa Shear line – PAGASA


Ilang bahagi ng bansa ang makakaranas ng pag-uulan at maulap na panahon dahil sa shear line, ayon sa PAGASA.
Sa kanilang 5:00 am bulletin, sinabi ng PAGASA na magkakaroon ng maulap na panahon na may scattered rainshowers at thunderstorms ang Visayas dulot ng shear line.
Naapektuhan rin ng shear line ang silangang bahagi ng Southern Luzon. Inaasahang makakaranas ng maulap na panahon na may scattered rainshowers at thunderstorms sa Bicol Region at Northern Samar, habang magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may isolated light rains ang panahon sa Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon.
Samantala, ang Occidental Mindoro at Palawan kabilang ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na may isolated rains dahil sa Northeast monsoon.
Moderate to Strong winds from East to Northeast will prevail over the Visayas, Occidental Mindoro, and Palawan including Kalayaan Islands with moderate to rough seas.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa East hanggang Northeast ang mananaig sa Visayas, Occidental Mindoro, and Palawan including Kalayaan Islands na may katamtaman hanggang sa malakas na alon sa karagatan.
Batay sa PAGASA, walang tropical cyclone ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong weekend.