Weather
Magiging maulan ang panahon sa buong Visayas dahil sa Easterlies


Magkakaroon ng maulan na panahon ngayon sa Visayas at sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa Easterlies, habang naapektuhan ng Northeast Monsoon ang Luzon.
Batay sa 5:00 am bulletin ng PAGASA, magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang buong Visayas dahil sa Easterlies.
Moderate hanggang sa malakas na hangin ang mananig sa Eastern section ng Visayas na may moderate hanggang sa malakas na alon sa karagatan. Mahina hanggang sa moderate winds naman mula sa Northeast hanggang East ang mananaig sa natitirang bahagi ng Visayas, Occidental Mindoro, at Palawan kabilang ang Kalayaan Islands.
Sa southern portion naman ng Palawan, magkakaroon sila ng maulap na panahon na may scattered rainshowers at thunderstorms dahil sa trough ng Low Pressure Area (LPA) at Easterlies.
Ang natitirang bahagi ng Palawan ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na may isolated rains dulot ng Northeast Monsoon.
Samantala, magiging maulap na may kasamang scattered rainshowers at thunderstorms dulot ng trough ng LPA at Easterlies ang panahon sa Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN and Davao Region.