Connect with us

Weather

Isang LPA sa may Surigao City, lumakas at naging bagyo; Signal No. 1, itinaas sa ilang mga lugar kabilang ang Aklan

Published

on

weather forecast

Ayon sa PAGASA ngayong Lunes, lumakas at naging isang tropical depression ang low-pressure area na natagpuan sa may Surigao City.

Pinangalan itong Bagyong Lannie at ito ang ika-12th na bagyo na dumating sa Pilipinas ngayong taon.

Ang bagyo ay huling namataan sa may Liloan, Southern Leyte, kaninang 7 a.m ng umaga na may dalang maximum winds na 45 kph malapit sa center, at may bugso na umaabot hanggang 55 kph, batay kay PAGASA weather forecaster Ariel Rojas.

Dagdag pa niya na gumagalaw ito sa direksyong west northwestward na may bilis na 15kph.

Itinaas sa Signal No. 1 ang ilang mga lugar sa bansa (asahan ang malakas na hangin sa loob ng 36 na oras).

  •  southern portion ng Masbate
  • southern portion ng Romblon
  • southern portion ng Oriental Mindoro
  • southern portion ng Occidental Mindoro
  • northern portion ng Palawan, kabilang ang Calamian at Cuyo Islands.
  • Eastern Samar
  • Samar
  • Biliran
  • Leyte
  • Southern Leyte
  • Capiz
  • Aklan
  • Antique
  • Iloilo
  • Guimaras
  • Negros Occidental
  • northern at central portions ng Negros Oriental
  • Cebu
  • Bohol
  • Surigao del Norte
  • Dinagat Islands
  • northern portion ng Agusan del Norte
  • northern portion ng Agusan del Sur
  • northern portion ng Surigao del Sur

Ngayong Lunes, makakaranas ng moderate hanggang heavy rains na may paminsan-minsan intense rains ang Visayas, Bicol region, Mimaropa, Calabarzon, at Caraga, ayon sa PAGASA.

Dagdag pa nito na makakaranas ng light hanggang moderate rains na may paminsan-minsan na heavy rains ang Metro Manila, Bulacan, Bataan, at ang natitirang bahagi ng Mindanao.

Ang bagyo ay inaasahang aalis ng Philippine Area of Responsiblity pagdating ng Huwebes.