Weather
ITCZ at easterlies, magdadala ng kaulapan at ulan sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao
Ayon sa ulat ng PAGASA, maapektuhan ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Biyernes.
Ang mga sumusunod ay magkakaroon ng cloudy skies na may kasamang scattered rain showers at thunderstorms na dala ng ITCZ at easterlies. May mga possibleng flash floods o landslides ang mangyari kapag severe ang thunderstorm.
- Metro Manila
- CALABARZON
- MIMAROPA
- Bicol Region
- Western Visayas
- Central Visayas
- Zamboanga Peninsula
- Province of Isabela
- Province of Aurora
- Province of Bulacan
- Province of Basilan
- Province of Sulu
- Province of Tawi-Tawi
Habang partly cloudy hanggang cloudy skies na may kasamang isolated rain showers o thunderstorm ang mararanasan ng natitirang bahagi ng bansa.
Ang inaasahang wind speed naman para sa Visayas at Mindanao ay light to moderate na gumagalaw sa direksyong southwest to southeast, habang ang coastal waters ay slight to moderate.
Makakaranas ang Palawan ng light to moderate wind speed na may direksyong northeast to northwest, slight to moderate naman para sa coastal waters.
Samantala, ang natitirang bahagi ng Luzon ay may light to moderate wind speed na gumagalaw sa direksyong southeast to east, habang mananatiling slight to moderate ang coastal waters.
Source: GMA News