Weather
ITCZ at LPA na namataan sa may Samar, magdadala ng maulap at maulan na panahon sa Palawan at Visayas
Isang Low Pressure Area (Area) ang namataan sa may Eastern Samar kung saan magdadala ito ng maulap at maulan na panahon sa Pilipinas.
Ayon sa 5:00 AM morning bulletin ng Pagasa, kaninang 3:00 AM, may namataan silang LPA sa may 675 km East ng Borongan City, Eastern Samar na naka-embed sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Dahil sa ITCZ at LPA, maapektuhan nito ang Palawan, Visayas, at Mindanao, habang maapektuhan ng Northeast Monsoon ang Northern at Central Luzon.
Makakaranas ng maulap na may scattered rainshowers at thunderstorms ang probinsya ng Samar at Palawan, kabilang ang Kalayaan Islands dulot ng ITCZ/LPA.
Samantala, inaasahang magiging bahagyang maulap hanggang maulap na may isolated rainshowers ang panahon ng natitirang bahagi ng Visayas at Occidental Mindoro dahil sa mga localized thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtaman lakas ng hangin mula sa Northeast hanggang East ang mananaig sa Visayas, Occidental Mindoro at Palawan kabilang ang Kalayaan Islands, na may mahina hanggang sa katamtaman na pag-alon sa karagatan.