Connect with us

Weather

Itinaas sa Signal No. 1 ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Jolina

Published

on

Weather Report

Ang low pressure area (LPA) na nasa east ng Eastern Samar ay naging isang tropical depression na mga bandang 2 am ngayong Lunes, at pinangalanan itong Jolina, ayon sa morning bulletin ng PAGASA.

Tinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang ilang bahagi ng bansa:

  • Eastern Samar
  • Dinagat Islands
  • Siargao Islands
  • Bucas Grande

Ang mga na-mention sa taas ay makakaranas ng strong winds na may paminsan-minsang gusts prevailing na inaasahan sa loob ng 36 oras.

Batay sa PAGASA ang tropical depression ay magdadala ng moderate to heavy rains sa Eastern Samar, Dinagat Islands, at Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands sa susunod na 24 hours.

Ang mga areas na ito, ay maaring makaranas ng isolated hanggang scattered flash flooding at landslides, lalo na sa mga lugar na prones sa mga ganitong hazards.

Coastal waters

Pinayuhan ang mga may maliit na seacraft na gawin ang mga kinakailangang pag-iingat sa paglalakbay sa dagat dahil maaaring magdala ng moderate to rough seas (with wave heights up to 2.8 meters) ang Jolina sa eastern seaboards ng Visayas at Mindanao.

“Inexperienced mariners should avoid navigating in these conditions,” sinabi ng PAGASA ayon sa ulat ng GMA News Online.

Track

Nitong 4 a.m., ang center ng bagyong Jolina ay na-locate sa 300 km east southeast ng Guiuan, Eastern Samar, o 310 km east ng Surigao City, Surigao del Norte.

Mayroon itong maximum sustained winds na 45 km/h malapit sa center, at ang bugso ay umaabot hanggang 55 km/h.

Gumagalaw ito ng 20 km/h na may direksyong west southwestward. Inaasahan rin na gagalaw ito patungong westward o west-southwestward, bago lumiko sa northwestward.

Ayon sa PAGASA, ang bagyong Jolina ay maaring mag-land fall sa Northern Luzon pagdating ng Biyernes, Setyembre 10.

Ito’y inaasahang mananatiling tropical depression hanggang sa potential nitong landfall, pagkatapos, hihina ito at magiging isang low pressure area na lang.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko at ang disaster risk reduction and management offices na gawin ang necessary precautions.

(Source: GMA News)

 

Continue Reading