Connect with us

Weather

Low pressure area sa Samar, magdadala ng maulan na panahon

Published

on

weather forecast

Ang trough o yung extension ng isang low-pressure area (LPA) sa may Eastern Samar province ay magdadala ng ulan sa Bicol region, Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Mga bandang 3 p.m nitong Lunes, ang LPA ay estimated na namataan sa 335 kilometers east ng Borongan City. Gumalaw ito palapit sa landmass ng Pilipinas nitong Lunes.

Batay sa PAGASA ang mga residente ng Bicol region, Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Caraga region ay kailangan mag-handa ng kanilang payong ngayong Martes para sa maulap na may kasamang scattered rain showers na dala ng LPA.

Sa nakaraang weather bulletin noong Lunes, sinabi ng PAGASA na ang weather system ay ” less likely to intensify into a tropical depression.”

Samanatala, ang southwest monsoon, o mas killa bilang “habagat” ay patuloy na makakaapekto sa Luzon ngayong Martes.

Scattered rains and thunderstorms are expected in Cagayan Valley and the provinces of Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Ilocos, and Apayao.

Inaasahan magkakaroon ng scattered rains at thunderstorms sa Cagayan Valley at provinces ng Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Ilocos, at Apayao.

Ang habagat, kasama ng mga localized thunderstorms, ay maari ring magdala ng partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated showers sa Metro Manila at sa ibang bahagi ng bansa.

Source: Inquirer.Net