Weather
LPA namataan sa may Easter Samar, magdadala ng ulan sa Visayas, Mindanao at Bicol
Isang low pressure area sa may Eastern Samar ang inaasahang dadaan sa Visayas ngayong Huwebes, ayon sa state weather bureau.
Ang estimated location ay nasa 135 km east northeast ng Guiuan town, Eastern Samar na naka-embed sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao, batay kay Anna Clauren, ng PAGASA weather forecaster.
Dagdag pa niya, na mababa ang tiyansa na ito ay maging isang bagyo, pero magdadala ito ng cloudy skies na may scattered rains at thunderstorms sa Visayas, Mindanao at Bicol Region.
Samantala, makakaranas ang Metro Manila at ang ibang bahagi ng bansa ng partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated rains o thunderstorms dahil sa ICTZ o localized thunderstorms.