Connect with us

Weather

Maapektuhan ng trough ng bagyong “Nyatoh” ang panahon sa Visayas at Mindanao

Published

on

weather forecast

Patuloy na magiging maulap at maulan ang panahon sa Visayas at Mindanao dahil sa trough ng bagyong Nyatoh, samantala, maapektuhan ng Northeast Monsoon ang Luzon.

Batay sa 4 am bulletin ng Pagasa, kaninang 3 am, ang bagyong Nyatoh ay nasa 1,495 km east ng Northern Luzon (sa labas ng PAR). Ito’y may maximum sustained winds na 140 km/h at ang bugso ng bagyo ay umaabpot hanggang 170km/h.

Gumagalaw ang Nyatoh sa direksyong northward at may bilis na 15 km/h.

Dahil dito, makakaranas ng maulap na may scattered rainshowers at thunderstorms ang Eastern Visayas, Central Visayas, Negros Provinces at ang Southern portion ng Palawan kabilang ang Kalayaan.

Samantala, ang natitirang bahagi ng Visayas, Palawan at Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na may isolated rainshowers dulot ng Northeast Monsoon.

Moderate hanggang sa malakas na hangin mula sa Northeast hanggang North ang mananaig sa Visayas, Occidental Mindoro at Palawan, kabilang ang Kalayaan Islands na may moderate hanggang malakas na alon sa dagat.

Makakaranas naman ng maulap na panahon na may light rains ang probinsiya ng Batanes, agayan, Isabela, Quirino, Apayao, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mt. Province, Benguet, at Aurora dahil sa Northeast Monsoon.

Continue Reading