Connect with us

Weather

Magdadala ng scattered rains ang LPA at ITCZ sa Mimaropa, Western Visayas, Mindanao at Quezon

Published

on

Weather Report

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, makakaranas ng cloudy skies na may scattered rain showers at thunderstorms ang Mimaropa, Western Visayas, Mindanao at Quezon dahil sa isang low-pressure area (LPA) at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Nagbabala rin sila na maaring magkaroon ng flash floods at landslides dahil sa severe thunderstorms.

Samantala, magdadala ang ITCZ at localized thunderstorm ng partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated rain showers o thunderstorms sa Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa.

Kaninang 3 a.m, ang LPA ay namataan sa may 280 km west ng Subic, Zambales. Naka-embed ito sa ITCZ, kung saan sa kasalukuyan, naapektuhan nito ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang coastal waters naman ay magiging slight to moderate sa buong Pilipinas.

(Source: GMA News)