Connect with us

Weather

Magiging maulan ang panahon sa Visayas at Mindanao dahil sa LPA

Published

on

weather forecast

Maapektuhan ng Low Pressure Area (LPA) ang rehiyon ng Visayas at Mindanao, habang maapektuhan naman ng Easterlies ang panahon sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng bansa.

Batay sa 5:00 am bulletin ng PAGASA, namataan nila ang LPA sa may 135 km East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang 3:00 am.

Dahil sa dito, magkakaroon ng maulap na panahon na may scattered rainshowers at thunderstorms sa Visayas, ganundin sa ilang bahagi ng Mindanao tulad ng Caraga, Northern Mindanao, Davao de Oro, Davao Oriental, and Zamboanga del Norte ,

Samantala, magiging bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila, Palawan kabilang ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro dulot ng Easterlies o localized thunderstorms.

Mananaig ang mahina hanggang sa moderate na hangin sa Visayas, Occidental Mindoro, at Palawan kabilang ang Kalayaan Islands na may mahina hanggang katamtamang lakas ng alon.