Weather
Magiging maulap at maulan ang panahon sa buong Visayas at Mindanao dahil sa LPA
Ayon sa PAGASA, maapektuhan ang panahon sa ilang bahagi ng bansa lalo na sa Visayas at Mindanao dahil sa Low Pressure Area (LPA).
Batay sa kanilang 5:00 am bulletin, kaninang 3:00 am, namataan ng PAGASA ang LPA sa may 350 km East Northeast of Hinatuan, Surigao del Sur, kung saan naka-embed ito sa may Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Habang ang tropical cyclone na nasa labas pa ng Phililippine Area of Responsibility (PAR) ay namataan sa may 2,270 km East ng Mindanao. Ito’y may maximum sustained winds na 55 km/h at may bugso na umaabot hanggang 70 km/h, at gumagalaw ito sa direksyong Westward na may bilis na 10 km/h.
Magkakaroon ng maulap na may kasamang scattered hanggang widespread rainshowers at thunderstorms ang buong Visayas, Palawan, kabilang ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro dulot ng LPA/TCZ.
Moderate hanggang sa malakas na hangin mula sa East hanggang Northeast ang mananaig sa Visayas, Palawan, kabilang ang kalayaan Islands at Occidental Mindoro na may moderate hanggang malakas na alon sa karagatan.