Weather
Makakaapekto pa rin ang ITCZ at inaasahang magdudulot ng mga Pag-ulan sa ilang lugar sa bansa
Inaasahan na patuloy na maaapektuhan ng intertropical convergence zone (ITCZ) ang Palawan, Visayas at Mindanao, na magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at mga pagkidlat-pagkulog sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Huwebes, ayon sa weather bureau.
Batay sa 4 a.m. bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang Palawan, Southern Leyte, Central Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at Caraga ay makakaranas ng bahagya hanggang katamtaman at paminsan-minsan na malalakas na pag-ulan na maaring magdulot ito ng flash floods o landslides.
Ang iba pang bahagi ng bansa ay patuloy na makakaranas ng hiwa-hiwalay na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms, lalo na sa hapon o gabi.
Patuloy na magiging banayad hanggang sa katamtamang hangin ang kundisyon ng alon sa karagatan sa buong kapuluan, ayon sa PAGASA.