Weather
Makakaranas ng maulap at maulan na panahon ang Buong Visayas dahil sa localized thunderstorms -PAGASA
Magiging maulap ang panahon sa buong Visayas, Palawan kabilang ang Kalayaan Islands, at ilan pang bahagi ng bansa dahil sa Northeasterly Surface Windflow o localized thunderstorms, ayon sa PAGASA.
Sa kanilang 5:00 AM bulletin, sinabi nila na light hanggang moderate winds mula sa East hanggang Northeast ang iiral sa Visayas Palawan kabilang ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro na may slight hanggang moderate ang alon sa karagatan.
Samantala, makakaranas ng partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated rainshowers o thunderstorms ang Bicol Region, Northern Samar, Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon.
Light hanggang Moderate winds na mula sa East ang iiral sa mga nasabing lugar na may slight hanggang moderate ang alon sa karagatan.