Weather
Maulap at maulan na panahon ang mananaig sa buong Visayas, Occidental Mindoro at Palawan dulot ng LPA
Naapektuhan ng isang low pressure area (LPA) ang panahon ng Visayas, Occidental Mindoro at Palawan kabilang ang Kalayaan Islands.
Batay sa 5:00 am bulletin ng PAGASA, namataan nila ang LPA sa may 60 km East ng Catarman, Northern Samar.
Magdadala ng maulap na panahon na may kasamang scattered rainshowers at thunderstorms ang LPA sa Visayas, Occidental Mindoro at Palawan kabilang ang Kalayaan Islands, na may possibleng flash floods o landslides na mangyari dahil sa malakas na ulan.
Mananaig sa buong Visayas ang mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Southeast hanggang Northeast, habang hanging mula sa Northeast hanggang East ang iiral sa Occidental Mindoro.
Samantala, makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated light rains ang Luzon dulot ng Northeast Monsoon.