Weather
Maulap at maulan na panahon sa buong Visayas dahil sa LPA
Magiging maulap ang panahon ng buong Visayas at ang iba pang mga lugar tulad ng Occidental Mindoro, at Palawan kabilang na ang Kalayaan Islands dulot ng Low Pressure Area (LPA), habang naapektuhan naman ng Northeast Monsoon ang Northern at Central Luzon.
Batay sa 5:00 AM bulletin ng PAGASA, kaninang 3:00 AM, namataan nila ang LPA sa may vicinity ng Tayasan, Negros Oriental. Ayon sa weather station, mababa ang possibilidad na magiging isang tropical depression ito.
Magkakaroon ng maulap na panahon na may kasamang scattered rainshowers at thunderstorms ang buong Visayas, Occidental Mindoro, at Palawan kabilang na ang Kalayaan Islands dahil sa LPA/Shearline.
Samantala, moderate hanggang sa malakas na hangin mula sa Southeast hanggang sa East ang iiral sa silangang bahagi ng Visayas na may moderate hanggang sa maalon na karagatan.
Mahina hanggang sa moderate na hangin mula sa Northeast naman ang iiral sa natitirang bahagi ng Visayas, Occidental Mindoro at Palawan kabilang na ang Kalayaan Islands.