Connect with us

Weather

Maulap na panahon ang mananaig sa buong bansa ngayong araw

Published

on

weather forecast

Inaasahang magiging maulap ang panahon ngayong araw sapagkat naapektuhan ng shear line ang silangang bahagi ng Southern Luzon, habang naapektuhan ng Northeast Monsoon ang Northern at Central Luzon.

Ayon sa Pagasa, ang buong Visayas, Occidental Mindoro at Palawan kabilang ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na may isolated rainshowers dulot ng localized thunderstorms.

Dagdag pa nila na mananaig sa Visayas, Occidental Mindoro at Palawan kabilang ang Kalayaan Islands ang mahina hanggang sa katamtamang lakas ng hangin mula sa Silangan hanggang Hilagang-silangan.

Batay sa 5:00 am bulletin ng Pagasa, ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng NCR-PRSD areas ay makakaranas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na may isolated rainshowers at thunderstorms.

Mahina hanggang sa katamtamang lakas ng hangin mula sa hilagang-silangan hanggang sa silangan ang iiral sa mga nabanggit na lugar.